Google

Wednesday, June 13, 2012

Android Pinas; Google Android in the Philippines

Simula noong ma-uso ang cellphone or mobile phones noong panahon na may kamahalan ang pagbili nito at tinaguriang Capital Texting ang ating bansa, ang Pilipinas ay hindi na nahuhuli sa pagiging "High Tech".

Nabasa ko pa noon sa isang pagsusuri at sa iba't-ibang aklat ng agham na 'nahuhuli ng dalawangpung-taon o 20 years ang Pilipinas sa mga makabagong kagamitan at kaalaman sa paggamit nito". At sa tingin ko, ito naman ay tama sa kadahilanan na ito ay may kamahalan at hindi pa tinatanggap ng ating gobyerno na pagtuunan ng pansin ang pakikipagsabayan sa mga nangungunang bansa ang pagiging High Tech.

Subalit, pansinin mo naman ngayon -dahil sa kuminikasyon, unti-unti na tayong mga pinoy na sumasabay sa mga kagamitang hi-tech lalo-lalo na ang mga Mobile Phone Devices na abot kamay na lang ang mga presyo nito.

At dito na pumapasok ang mga Google Android devices na unti-unting lumalawak ang bentahan sa merkado dahil sa mga presyong kayang-kaya na sa bulsa ng mga Pinoy. May mga Android phones ngayon na ang presyo ay kasing-tulad na ang halaga nito sa mga cellphones na ibinibenta noong kaagahan ng year 2000's.

Kung ang Google ay umaabot na ng 900,000 kada araw na ini-activate na Android devices, malamang libo-libong Pinoy naman ang kasama nito sa kadahilanang marami na ang makakabili nito sa murang halaga, isali mo pa ang mga Postpaid Plan holders na unti-unti ding tumataas ang bilang.

May ilan din akong nakikita na hindi pa ini-activate ang kanilang devices na maaring; hindi pa alam kung papaano o di kaya takot, o di kaya ayaw lang talaga.

Para sa akin, mas mahalaga din na activated ang isang Android unit upang lubos na magagamit ang kung anong meron nito, halimbawa:

* OS updates
* Magkaroon ng access sa Android markets
* Makapag-install ng mga Apps at mga Games
at marami pang gamit na ibinibigay ng isa Android Devices na malaking pakinabang.

Kaya kung isa ka sa hindi pa nag activate, huwag mo ng palampasin pa na hindi ka mag activate dahil marami kang madidiskubreng mahahalagang bagay na maari mong mapakinabangan gamit ang iyong Android na kagamitan.


Tags:
android pinas, android pinoy, pinoy android, android philippines, google android pinas, google android pinoy, pinoy google android, google android philippines

x

Get Our Latest Posts or Updates Via Email - It's Totally for Free

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner